wasto

Isipin mo kung tutuusin, walang magandang naidudulot ang eleksyon sa ating bansa. Naghahalal tayo ng mga kandidato ngunit sino nga ba sa mga ito ang tunay na naglilingkod.

Alam kong hindi tama ang hindi magparehistro dahil alam kong sa edad kong twenTEEN dapat nakatala na ako sa mahabang listahan ng mga botante. Gusto ko na sanang magparehistro noong Disyembre kaya lang hindi ko naman alam na deadline ng pa-rehistro ay tapos na. Hindi ata mabuting na-announce ng COMELEC ang pagpaparehistro o di kaya hindi lang ako nakakabasa ng dyaryo. Hindi na kasi kami nagpaparasyon ng dyaryo ngayon tulad ng dati. Kaya tuloy hindi ako makakaboto ngayon. Pati ang kapatid ng pinsan ko hindi din makakaboto.

Siguro nga mali pero sa apat na eleksyon na aking nasubaybayan, parang wala akong nakitang pag-asa sa bawat kandidato na naihalal. Walang administrasyon local man o national ang makakapagmayabang ng magandang nagawa nila sa bayan. Sa bawat administrasyong nagdaan, patuloy pa rin ang paghihirap ng ating bayan. Dito sa amin, kaliwa't kanan ang pagtatanggal ng mga trabahante, ang pagdedemolish ng mga bahay at idagdag pa natin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Siguro sa isang boto ko, it would make a difference. Ahahaha. Seryoso.. malay nyo. Ngunit iilan lang ba tayong nag-iisip talaga bago bumoto. Hindi ba't mauungusan din naman tayo ng mga taong bumubuto alinsunod sa batayan ng popularidad? Baliwala na rin ang aking boto. Pero baka ngayon may mga taong natututo na. At kung pagmamasdan ninyo, mas madami ngayong kandidato na artista, singer o kung sino man sikat na taong iyon.

Sa tingin ko ang laban ngayong eleksyon ay sa pamamagitan ng kampon ng oposisyon at ng administrasyon at nariyan ang mga independent ngunit mas malakas ang laban ng dalawang nagtatalong panig. Pati sa kani-kanilang political ads kapansin-pansin ang paninira sa magkakabilang panig. Dito lang yan sa Pinas. Sa Senatorial race, Narian ang mga dating nangagandidato - Tessie Aquino-Oreta, Joker Arroyo, Edgardo Angara, etc. Ang mga baguhan sina Chiz Escudero, Sonia Roco, etc. Pati mga dating artista Goma!? Montano!? Victor Wood!? Sa Congressional, at sa Mayor ayaw ko na pagusapan pa.

Tuwing eleksyon parang fiesta. Tuwing eleksyon makalat ang lungsod. Tuwing eleksyon maraming plastic. Tuwing eleksyon may namamatay at namumukod tangi ang pandaraya. May pag-asa pa ba ang politika sa bansa? Iilang hakbang na lang ang pwede nating isulong upang mabago natin ang institusyon at maiahon natin ang ating bansa sa basurang tinatapon ng mga politiko. Iyang mga hakbangin na iyan, iilan lang ang sumusuporta. Noon lagi kong dinadasal na sana maganda ang resulta ng eleksyon pero sa tingin ko, kahit Panginoon natin ay hindi kayang kontrolin ang paglaganap ng mga politikong walang inaatupag kundi palawakin ang sariling interes. Hindi sila karapatdapat na umupo sa katungkulan nila kung ganun na lamang ang ugali nila. Kung meron man MALINIS ang kalooban na kandidato ay bibihira lang sila at nabibilang sa daliri. Nakahahabag talagang isipin ngunit nag-iisa nga lamang ako. Bahala na, kahit sino ang iboboto ninyo basta pag-isipan ninyo ang ikabubuti ng bayan at ang kinabukasan natin lahat, nasa ibang gawain naman ako. Sa aking maliit na paraan, isusulong ko na lang ang kaisipang alam kong makakapagpabago ng ating pamahalaan. Sama kayo sa akin. Baguhin natin ang basurang bumabalot sa ating politika. Sa mga botante, bumoto ng wasto.

P.S. Baka makatulong ang website na ito sa pagpili ng kandidato - www.ivote.ph

0 comments: